|
Masakit kapag iniwan ka. ‘Yung ibinigay mo naman lahat ng kaya mong ibigay sakanya pero nagawa ka parin niyang iwan. Minahal mo naman siya ng sobra pero nagawa niyang maghanap ng iba. Mahirap lang talaga tanggapin na sakabila ng mga pangako niyo sa isa’t isa, ipagpapalit ka rin pala niya. Drama 101
Namiss ko lang… • “Good morning, mahal! Kain ka ng breakfast ha? Ingat sa pagpasok, I love you. :*” Parang kahapon lang…
:( Mga taong nang-iiwan…
Bakit ko pa kasi kayo nakilala eh, iniwan niyo rin naman ako. Mga patakam kayo eh, no?! Kung kailang mahal na mahal ko na kayo at importante na kayo sa’kin, bigla nalang kayong mawawala ng parang bula. Sana sa umpisa palang sabihin niyo na iiwan niyo rin ako. Masakit kasi eh. “Hu u?”
Ang sakit pala kapag sa taong mahal mo ‘to galing. Kapag nakalimutan ka na niya tapos ikaw, mahal na mahal mo parin siya. Hindi ako nagsisisi. As in, hindi talaga.
3 months lang kami pero hanggang ngayon ang sakit sakit parin. Mas matagal pa ang pagmomove on kaysa sa relasyon namin. Ang hirap hirap kasi. Kapag mag-isa ko, bigla ko nalang siyang naaalala, yung mga panahong ang sweet-sweet pa namin, yung mga oras na magkasama kami umulan man o umaraw, yung mga minutong mahal na mahal pa namin ang isa’t-isa, yung mga panahong siya pa ang buhay ko at kapag hindi siya nagtext eh parang mamamatay na ako sa galit/pag-aalala. Kapag may hinahanap ako, bigla nalang akong may makikitang mga sulat na para sakanya, at kapag binasa ko, ayon! Boom. Sabog ang puso. Ganon niya pala ako kahamal kaya mahal na mahal ko pala siya. Bakit ba kasi hindi ako nakuntento sakanya? Bakit ba kasi ako naghanap ng iba? Bakit ko ba kasi siya binalewala? Ang hirap talaga. Pero dahil sa matapang ako, kakayanin ko ‘tong hamon na ‘to, ang magmove on na talaga. Totoong move on na, hindi yung puro salitang “Nakapag move na kaya ako, hindi ko siya mahal no!” Bakit ganon?
Bakit ganon kapag may nakikita/nababasa akong mga bagay na dati naming ginagawa/ginagamit naiiyak ako? Kapag binabanggit ang name, bakit apektado parin ako? Ano ‘to joke? Ano ‘to hindi pa ako nakaka-move on? Putris naman, ang alam ko nakamove on na ako eh. Ang tagal tagal na non? Bakit parang na-stuck na ako. Di na ako umusad-usad. Nakakainis. Atsaka wala naman akong karapatan maggagaganito eh, ako yung nangiwan, ako yung nanloko. Nakakainis. Kinakarma ako. Hindi kasi ako kinilig eh.
‘Yung nalaman niya lang na may gusto ka sakanya bigla nang nag-iba yung trato niya sa’yo.
PAKING SHIT. Nakaka-irita lang kasi ng bongga. Puta. 1
2
3
Next
|
ABOUT
![]()
Masaya sa mundong ginagalawan. Nagtataray dahil kailangan. Nagbibigay saya sa iba kahit papaano. Umiiyak dahil nasasaktan. Nanghuhusga dahil kilala ka na. Marunong makisama. Madamot. Tinatamad nang magmahal muli. Nag-aaral mabuti. MAINGAY. MAGULO. MAPANG-ASAR. |